top of page
Pokwang.jpg

Nagre-research lang daw sa epekto | BISHOP, HULI SA AKTONG NAGSA-SHABU

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 26, 2019
2 min read

KULONG ang isang reli­gious leader at isa pang lalaki makaraang mabilhan ng sha­bu sa buy-bust operation sa Ba­coor City, Cavite, kaha­pon.

Nabilhan ng nagpanggap na buyer ng isang sachet ng hini­hinalang shabu si Richard Al­cantara, 38, ng Sacred Order of Saint Michael Congre­gation sa Tagumpay Com­pound, Tabing Dagat, Bgy. Alima.

Gayunman, nilinaw ni Superintendent Vicente Ca­batingan, na hindi talaga mi­yembro ng Roman Catho­lic si Alcantara kundi sa ibang congregation ito.

Ito rin ang paglilinaw ng Catholic Bishops’ Confe­rence of the Philippines (CBCP).

“Richard Alacantara is neither a Catholic bishop or a priest of the Roman Catho­lic Church and is certainly not a member of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP),” ayon sa CBCP.

Samantala, isang mangi­ngisda ang kasamang na­aresto sa operasyon habang nakatakas naman ang isa pa.

Nakuha sa kanila ang 15 sachets ng hinihinalang sha­bu, improvised tooter, dala­wang improvised burners at iba pang drug parapherna­lias.

Matagal na umanong mi­namanmanan ng mga pulis si Alcantara kung saan, may kuha rin ng video habang gumagamit ito ng shabu.

Samantala, ayon sa mga kasamahan niya sa Simbahan sa Trece Martires, nitong buwan lang din ay itiniwalag na siya sa congregation dahil sa iba’t ibang dahilan, kabilang na ang pagdodroga.

Kasama rin umano ito sa drugs watchlist ng Bacoor City Police bilang tulak at adik.

Depensa naman ni Al­can­tara, gumagawa lamang siya ng research sa epekto ng paggamit ng droga.

“Nag-research lang po ako n’yan. May makaka­pag­­­patunay naman na mga tao. Tinatanggap ko po ang pagkakamali ko. Inudyukan ako ng taong pi­nag­kati­wa­laan ko,” paliwanag nito.

Gayunman, ayon sa mga pulis, dalawang taon na uma­nong ‘nagre-research’ si Al­cantara.

“So, adik talaga siya,” ani Cabatingan.

“Nakakalungkot ang pangyayaring ito. Isa siya sa mga tinitingala natin na re­ligious leader ng congrega­tion. Kasama natin dapat sila sa kampanya kontra droga pero, iba ang nakita natin sa kanya. Siya ay na­ging kalaban natin,” ayon naman kay Superinten­dent William Segun, director ng Cavite Provincial Police. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page