top of page
Pokwang.jpg

Nagpasikat ng Gangnam Style, music video umabot na sa 3.2 billion… PSY, NAGTAYO NA NG SARILING TALEN

Lee Vin Nia
Jan 26, 2019
1 min read

LEVEL-UP na sa entertainment industry ang sikat na Korean singer-composer na si Psy dahil nagtayo na siya ng sarili niyang talent/management agency.

Umalis si Psy sa kanyang label na YG Entertainment noong May, 2018 at noon pa ay may mga tsika nang mag­tatayo na siya ng sarili niyang entertain­ment agency.

Well, kinumpirma na ito ni Psy last Jan. 24 sa kanyang Instagram account. Ipinost niya ang logo ng kanyang ba­gong kumpanya at sa caption, sinabi ni­yang tatawagin itong “P Nation”.

“I’ve established a company. A name of which is P NATION.

“I would like to share things that I’ve learned as a PD/manager/director of PSY for 19 years.

“Allow me to make a playground for passionate players chasing their dreams with sweats!!” ang caption ni Psy.

Inanunsiyo na rin ng musician ang first artist ng P Nation at ito ay ang Korean-American female rapper na si Jessi. Nag-post si Psy ng larawan nilang mag­kasama pati na rin ang short video ng pag-stamp nito ng kanilang kontrata at sa caption ay naglagay lang siya ng hash­tags na #welcome @jessicah_o at #pnation.

Sa mahihilig sa K-pop, matatanda­ang si Psy ang nagpasikat ng hit Korean song na Gangnam Style noong 2012. Hindi lang sa South Korea sumikat ang kanta kundi maging sa buong mundo kabilang na ang Pilipinas, dahilan para sumikat din nang bonggang-bongga ang nasabing singer internationally.

Ang music video ng nasabing awitin ang kauna-unahang MV na naka-reach ng 1 billion views sa You Tube at sa kasalukuyan, nasa 3.2 billion na ang hits nito.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page