top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

HOROSCOPE | ENERO 26, 2019 (Sabado)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 26, 2019
  • 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG ENERO 26, 2019 (Sabado): Marami ang yumayaman dahil sa iyo. Puwede ka ring yu­maman kasabay ng pag­yaman nila. Ito mismo ang payo ng iyong kapa­laran.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Metal ang iyong pampa­suwerte nga­yon o anumang bagay na may metal. Puwedeng kasuotan o personal na gamit na may metal na dekorasyon. Ito ang men­sahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-18-20-24-33-38.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sundin mo ang payo sa iyo, luma­kad ka nang walang sapin sa mga paa sa loob ng iyong bahay. Ito ang susi para sa iyo nang sa gayun ay maglapitan sa iyo ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-8-13-25-34-42.

GEMINI (May 21- June 20) - Hindi tao, hindi ba­gay ang iyong pampabuwenas kundi ang bilis ng pagpasya at pag­kilos. Isabuhay mo ang pagiging mabilis sa anu­mang bagay. Ito ang men­sahe para sa iyo. Ma­su­werteng kulay-black. Tips sa lotto-14-18-20-24-27-46.

CANCER (June 21- July 22) - Nakatu­tuwa ang pam­pabuwenas mo ngayon. Ang mga ta­ong panggulo sa buhay mo ay magbibigay sa iyo ng na­kagugulat at naka­ma­manghang magagan­dang kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-14-15-23-33-37.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kumilos ka para mapasa­iyo ang mata­gal mo ng hinihiling sa langit. Ito ang kahulugan ng kasabihan na kapag may paniniwala ka sa iyong sarili, makukuha mo ang iyong gusto. Masu­werteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-22-28-34-39-45.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Talas ng pag-iisip ang mag­bibigay sa iyo ng magandang buhay, kasaganahan at yaman. Ka­hit kailan ay huwag mong bibitawan ang talas ng iyong isip. Masuwer­teng kulay-red. Tips sa lotto-21-27-33-35-40-43.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakatutuwa dahil suwerte ka sa araw na ito dahil masisilayan mo ang magagandang kapa­la­ran na para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-16-20-32-35-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lakas ng loob ang iyong pampabuwe­nas. Madali lang itong gawin, lakasan mo lang ang loob mo na gawin ang mga bagay na noon pa man ay gustung-gusto mo ng gawin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-18-22-24-38-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumilos ka na habang ikaw ang na­susunod ngayon. Pero, sa huli, sa maniwala ka o hindi, magiging amo ka ng mga dating nakatataas sa iyo. Masuwerteng ku­lay-green. Tips sa lotto-6-9-12-26-32-39.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pumun­ta ka kung saan may ma­lagong halaman dahil ito ang pampasuwerte mo ngayon na nagsasabing, kusang lalapit sa iyo ang magagandang kapa­laran. Masuwerteng ku­lay-yel­low. Tips sa lotto-19-22-26-34-43-44.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Maali­wa­las at hindi makalat, ito ang pampabuwenas mo ngayon. Bigyan mo ng bagong anyo ang inyong tahanan nang sa gayun ay magdatingan sa buhay mo ang mga suwerte. Masu­wer­teng kulay-purple. Tips sa lotto-7-11-15-21-28-30.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong kalilimutan na susuwer­te­hin ka kapag nagpunta ka sa tabin-dagat. Hindi man ngayon, puwedeng sa ibang araw, ang maha­laga ay alam mong ito ang iyong pampabuwenas. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-14-16-23-40-46.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page