Dagdag-presyo sa petrolyo, LPG

INAASAHAN ang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo at liquefied petroleum gas (LPG) sa susunod na linggo.
Sa unang tatlong araw ng kalakalan sa pandaigdigang merkado, nasa P0.65 na ang iminahal ng presyo ng imported diesel habang P0.40 naman sa gasolina.
Kasabay ng sunud-sunod na taas-presyo sa petrolyo, dumarami na rin ang mga gasolinahan na nagpatupad ng mas mataas na excise tax.
Inaasahang magkakaroon din ng taas-presyo sa LPG sa susunod na weekend. Naglalaro sa P0.60 hanggang P1.50 ang inaasahang taas-presyo sa LPG sa Pebrero.
Nauna nang sinabi na kaugnay ito sa galaw ng presyo sa pandaigdigang merkado.
Matatandaang, may ilang brand na ng LPG ang nagpatupad nitong Enero ng dagdag na higit P12 kada regular na tangke dahil sa mas mataas na excise tax.





Comments