Bilangguan, lugar para sa pagbabago, period!

IBINABA sa 12-anyos ang edad ng paslit na puwedeng kasuhan sa korte.
‘Yung matatanda, hindi kakasuhan?
◘◘◘
SA totoo lang, repormasyon ang lahat ng bilangguan, kaya kahit singko-anyos ay puwedeng isailalim sa reformation.
Sa pilosopiya, ang bilangguan ay lugar ng repormasyon lahat ng edad ay puwede rito!
◘◘◘
Sa aktuwal, ang bilangguan, dapat lugar ng repormasyon.
Sa ganyang pilosopiya, hindi isyu ang edad!
◘◘◘
MAHINA ang kukote ng mga mambabatas sapagkat ang trato nila sa mga bilanggo ay “demonyo”, imbes na taong biktima ng mga sitwasyon.
Hindi edad ang mali, bagkus, ang mali ay ang mismong mga mambabatas!
◘◘◘
ANG tawag sa bilangguan ay “correctional”, itinatama rito ang mali.
Kung gayun, kahit anong edad, dapat ikulong kung saan siya puwedeng magbago!
◘◘◘
HINDI parusa ang pagkabilanggo.
Ito ay benepisyo sa mga naliligaw ng landas.
Ang totoong parusa ay ang kamatayan sapagkat nawalan ng pagkakataon ang suspek na “magbagong buhay” sa loob ng correctional institution tulad ng Bilibid!
◘◘◘
KAPOS sa pang-unawa ang mga mambabatas kaya nagkakaletse-letse ang lipunan.
Mas dapat ibinilanggo ang mga bopol na mambabatas kaysa sa inosenteng mga paslit!





Comments