top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

13 yrs. old ni-rape ng 14-anyos

mylene alfonso
Jan 26, 2019
1 min read

NADAKIP ng Manila Police District-Baseco Police Community Precint ang 14-anyos na binatilyo matapos ireklamo ng panggagahasa sa 13 taong gulang na dalagita, kamakalawa ng hapon sa Port Area, Manila.

Ayon sa reklamo ni ‘Ag­nes’, naganap umano ang panghahalay sa kanya ng suspek noong Lunes, alas-8:00 ng gabi sa isang madilim na bahagi sa Baseco.

Kasama umano ng bik­tima ang kanyang mga ka­ibigan nang tawagin ng sus­pek sa pag-aakalang may sasabihin lamang sa kanya.

Lumapit ang suspek at niyaya siya na maglakad pero, pagdating sa madilim na ba­hagi, rito na siya umano hinalay ng binatilyo.

Nagbanta pa umano ito na sasaktan siya kapag nag­sumbong sa kanyang mga magulang.

Hindi agad nakapagsum­bong ang bata sa kanyang mga magulang, gayunman dahil sa takot na muling pag­sa­mantalahan ng suspek ay napilitan itong ipagtapat sa ina ang ginawa ng binatilyo.

Dahil dito, agad nagtu­ngo sa presinto ang nanay ng biktima at inireklamo ang ginawa ng binatilyo sa anak.

Ayon kay Supt. Igmedio Bernaldez, ini-inquest nila ang binatilyo sa Manila Prosecutor’s Office para sa kaukulang ebalwasyon sa kaso at nakatakdang dalhin sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page