top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

1 patay, 1 sugatan sa aksidente

Pabs Hernandez III
Jan 26, 2019
1 min read

SOUTH COTABATO—Isang lalaki ang namatay at sugatan naman ang kasama nito nang aksidenteng mabangga ng trak ang kinalululanan nilang van, kamakalawa sa national highway ng Polomolok sa lalawigang ito.

Kinilala ang nasawi na si Titing Buting, samantalang, ang sugatan ay si Hashim Pari, kapwa tubong Maguindanao.

Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng trak na minamaneho ng hindi pa nakikilalang driver kaya nabangga nito ang van na kinalululanan ng dalawang biktima.

Dinala ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Buting, samantalang, pinaghahanap na ng mga awtoridad ang tumakas na driver ng trak.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page