‘Di raw mag-eendorso | CBCP, MAGBIBIGAY NG GABAY SA MGA BOTANTE
- Madel Moratillo
- Jan 26, 2019
- 1 min read

MULING iginiit ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na hindi sila mag-eendorso ng kandidato para sa midterm polls sa Mayo.
Ito ang inihayag ni CBCP Secretary General Father Marvin Mejia, kasunod ng gagawing Plenary Assembly ng mga opisyal ng Simbahan sa Pope Pius XII Catholic Center sa Paco, Manila simula ngayong araw, Enero 26 hanggang Enero 28.
Ayon kay Mejia, maaaring sa nakalipas ay may Obispo na nag-endorso pero, ang konseho ay hindi kailanman nag-endorso.
“Individual bishops endorsed in the past…but the conference, no,” pahayag ni Mejia.
Kabilang pa sa mga tatalakayin sa Plenary Assembly ang mga isyu na karaniwang isinasangguni sa kanila ng mga botante tuwing panahon ng halalan.
Inaasahang maglalabas ang CBCP ng pahayag na siyang magsisilbing gabay ng mga botante.
Noong 2016 Presidential Elections, ipinanawagan ng CBCP, partikular noon ni CBCP President Archbishop Socrates Villegas sa mga Katoliko na huwag iboto ang mga corrupt at mga nabibilang sa political dynasties.
Umapela naman si CBCP President Davao Archbishop Romulo Valles sa mga deboto na ipagdasal sila sa gagawing assembly.





Comments