‘Bus segregation policy’ sa EDSA, larga!


WALANG sukuan sa trapik!
Tila ito na ang motto ng mga awtoridad kapag problema sa EDSA ang pag-uusapan.
Marami nang solusyon ang ipinanukala at ipinatupad. Ang huli, itong ‘bus segregation policy’, bagama’t, hindi na bago sa pandinig, umaasa ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na mababawasan nito ang mabigat na trapiko sa kahabaan ng EDSA.
Sa ilalim ng nasabing polisiya, ang mga city bus ay mananatili sa first at second lanes ng EDSA.
Ang provincial, point-to-point at tourist buses naman ay ililipat sa third lane dahil hindi naman sila madalas nagbababa o nagsasakay.
Samantala, hindi naman kasali sa bus segregation policy ang EDSA-Santolan intersection dahil naghahanap pa ang ahensiya ng solusyon sa matinding trapiko sa kahabaan ng Boni Serrano Avenue.
Kung magiging epektib ang nasabing polisiya, ipatutupad na rin umano ito sa EDSA northbound.
Pakiusap naman natin kina mamang bus driver, makiisa tayo sa mabuting layunin ng panukalang ito.
Sumunod tayo hindi lang dahil sa ayaw nating mahuli kundi gusto nating masolb ang lumalalang problema sa trapik.
Pero, kung sadyang matigas ang ulo, wala na tayong magagawa, magmulta na lang kayo ng P150 para sa hindi pagsunod sa traffic signs, P500 sa change of lanes at P1,000 sa paglabag sa yellow lane at maging ‘certified pasaway’!





Comments