Sanhi ng pagkakaroon ng beke
- BULGAR
- Jan 25, 2019
- 1 min read
Dear Doc. Shane, Noong isang araw ay nagkaroon ng beke ang anak kong 10 years old. Nais kong malaman kung nakahahawa ito dahil nababahala akong baka magkaroon din nito ang mga nakababata niyang kapatid, gayundin, ano ang maaaring lunas para rito? — Myra
Sagot Ang beke o mumps ay sanhi ng virus. Ito ay nakapagdudulot ng lagnat, sakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, kawalan ng gana sa pagkain at pamamaga ng mga glandula. Kapag ito ay lumala, maaari itong magsanhi ng pagkabingi, meningitis (impeksiyon sa utak at sa balot ng gulugod), impeksiyon ng lapay, pamamaga at pananakit ng mga obaryo (para sa kababaihan) at pamamaga ng testikulo at bayag (para sa kalalakihan), gayundin nakapagdudulot din ito ng pagkabaog.
Nakahahawa ba ang beke? Ang beke o ang virus mula rito ay posibleng makahawa sa ibang tao sa pamamagitan ng pagkalat ng virus sa hangin, lalo na kapag madalas tayong nalalapit sa taong mayroon nito.
Ano ang dapat gawin para makaiwas dito? Maiiwasan ang pagkakaroon ng beke sa pamamagitan ng pagpapabakuna. Mahalagang mabakunahan tayo, lalo na para sa tigdas, beke, German measles at bulutong-tubig. Maaaring ibigay ang bakuna sa mga bata at maging sa mga nasa hustong gulang.
Tandaan na habang bata pa lamang dapat makumpleto na nito ang mga bakuna na kinakailangan upang hindi sila maapektuhan ng anumang impeksiyon o virus.
Gayunman, pinapayuhan na magpakonsulta agad sa doktor bago pa makaramdam ng iba pang sintomas upang masuri ito, mabigyan ng karagdagang payo at maresetahan ng mga antibiotic para rito.
Comments