Para sa mga mamshie natin diyan na nagkakasugat-sugat na ang mga kamay sa kakakusot, read n’yo ‘to!
- No Problem
- Jan 25, 2019
- 2 min read

NO PROBLEM
MATAPANG na amoy ang ating nalalanghap sa tuwing nagtatanggal tayo ng mantsa sa ating mga damit kung saan mahapding kamay din ang nakukuha natin dahil sa mataas na bilang ng kemikal na mayroon ang bleach.
Pero mga mamshie, dehins na ninyo kailangang magdusa sa pagtatanggal ng mga mantsa dahil narito na ang ilang alternatibong paraan para mas mabilis at hindi masakit ang pagtatanggal ng mantsa sa mga damit:
1. MILK. Mabisa itong pantanggal ng mantsa ng tinta sa mga de-kolor na mga damit. Para gamitin ito, magdamag na ibabad ang bahagi ng damit na namantsahan, pagkatapos ay labhan ang damit tulad ng regular na paglalaba rito. Easy lang, ‘di ba?
2. ARTIFICIAL SWEETENER. Kung natalsikan ang iyong damit habang nagluluto, don’t worry, mga beshy! Upang magawa ito, kumuha lamang ng artificial sweetener at ilagay ito sa bahagi ng damit na namantsahan. Ang pinong powder ang mag-a-absorb sa mantsa na nasa damit.
3. HAIR SPRAY. Dahil sa alkohol na taglay nito, epektibo itong pantanggal ng tinta sa mga damit, ngunit, ayon sa mga eksperto, hindi lahat ng hairspray ay magkakapareho ng alcohol content. Gayunman, upang gamitin ito, i-spray lamang ito sa damit, partikular na sa parte na nalagyan ng mantsa. Okay ba?
4. TOOTHPASTE. Keri itong pantanggal ng mantsa sa mga damit na nasulatan ng ballpen. Bagama’t, hindi 100 porsiyentong sigurado ang paggana nito dahil nakadepende ito sa uri ng tela ng damit, pero, why not na subukan pa rin para dehins masayang ang damit, ‘di ba? Upang magawa ito, kumuha ng non-gel toothpaste at ilagay ito sa apektadong bahagi ng damit at kuskusin.
5. BREAD. Talaga? Paano? Kunin ang gitnang bahagi ng tinapay at bilugin ito. Ikuskos ito sa bahaging namantsahan hanggang sa matanggal ang dumi sa tela. Pagkatapos nito, banlawan ang damit, gayundin, puwede itong pantanggal ng marka ng lipstick. Bongga!
6. VINEGAR. Lumang mantsa? No problem! Kumuha lang ng paper towel at lagyan ito ng suka, idampi sa apektadong bahagi ng damit at labhan ito kaagad tulad ng regular na paraan ng paglalaba.
7. COLA. Hindi lang ito inumin, lodi! Mabisa itong pantanggal ng dugo sa mga damit. Para gamitin ito, ibabad nang magdamag ang parte ng damit na namantsahan at labhan ito tulad ng regular na paglalaba. Gayundin, epektibo itong pantanggal ng hindi magandang amoy sa mga damit.
Mga lodi, beshy at mamshie, kung naghahanap kayo ng “go-to” o alternatibong pantanggal ng mga mantsa, eh, siguradong ito na ang solusyon ninyo para r’yan.
Pero, ang paalala lang natin, kung ayaw maperhuwisyo, eh, mag-ingat sa pagkilos nang sa gayun ay maiwasan natin ang pagkakaroon ng mantsa sa ating mga damit.
Gets mo?




Comments