Mister pinasok sa bahay, niratrat

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ng mga kalalakihan ang isang mister sa Bgy. Bawi, Padre Garcia, Batangas.
Pasado alas-6:00 ng umaga, abala sa pagluluto ng kanilang almusal ang biktimang si Antonio Barros kasama ang misis nito nang pasukin sila ng mga suspek.
Agad binaril sa ulo at dibdib ang biktima saka nagsitakas.
Naisugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit, idineklara itong dead-on-arrival.
Palaisipan pa sa imbestigador ang motibo sa krimen pero, patuloy pa rin ang pagkalap ng impormasyon para sa ikalulutas ng nasabing insidente.





Comments