top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Kuryente, gas kakapusin sa ‘build, build, build’ ni P-DU30

Lourdes Abenales
Jan 25, 2019
1 min read

NANAWAGAN si dating Senate President Juan Ponce Enrile sa mga pinuno ng pamahalaan na umakto sa nagbabadyang krisis sa enerhiya.

Maaari umano itong lumala dahil sa inaasahang malaking pangangailangan sa kuryente at gasolina ng ‘Build, Build, Build’ Program ng kasalukuyang administrasyon.

Kailangan aniyang magpokus sa paglikha ng iba pang mapagkukunan ng enerhiya upang siguraduhing hindi na kailangang umasa sa imported na gasolina.

Makatutulong din umano ito sa pagbaba ng presyo ng kuryente at maging ang presyo ng mga bilihin.

Samantala, sa kabila ng mandato ng Department of Energy (DOE) na maniguradong sapat ang suplay ng kuryente sa bansa, hindi pa rin umano ito nalulutas sa kabuuan sa ilalim ng Philippine Energy Plan (PEP) 2017-2044.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page