top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kung feel n‘yo, eh, wala kayong kuwentang tao, read n‘yo ‘to, dali! TIPS PARA MAS MAGING KAPAKI-PAKI

  • Donna Thea Topacio
  • Jan 25, 2019
  • 2 min read

TOTOONG nakapapagod ang mabuhay sa mundo lalo na kung puro problema ang pinagdaraanan mo, pero hindi ibig sabihin nito ay tatamarin o mawawalan ka na ng gana. Kaya para mas maging kapaki-pakinabang tayo sa ekonomiya, narito ang ilang paraan kung paano tayo magiging productive bilang tao at mamamayan:

1. MIND THE SMALL THINGS. Kahit ang maliliit na bagay ay may pakinabang. Ha­limbawa, ang pagtatapon ng balat ng kendi sa tamang basurahan, pagsunod sa mga simpleng kautusan sa pampubliko o pribadong pasyalan atbp. Gets mo?

2. DON’T BE LAZY. Huwag kang tamad, besh, dahil ang pagiging tamad ang humihila pababa sa indibidwal kung saan wala si­lang nagagawang maganda at maraming oras ang na­sasayang sa buhay nila.

3. THINK ADVANCED. Dapat advance tayong mag-isip nang sa gayun ay kaya rin na­ting i-advance ‘yung mga gawain. Sa ganitong paraan, mas mama-maximize natin ang ating oras at mararamdaman nating productive tayo.

4. BE INSPIRED. Kapag inspired ka, mas ginaganahan kang gawin ang isang bagay, kaya make sure na may inspirasyon kayo, mga beshy! Okie?

5. LEARN TO APPRECIATE. Matuto tayong mag-appreciate ng mga bagay-bagay nang sa gayun ay may makuha tayo ritong aral na magagamit natin sa buhay lalo na kapag dumaan tayo sa matinding pagsubok. Ganern!

6. BE HELPFUL. ‘Ika nga, ang taong matu­lungin ay gumaganda ang mga ngipin, charot! Dapat ay marunong tayong tumulong sa iba kahit hindi pa nila hinihingi ang tulong natin, mag­karoon tayo ng pakialam sa ating kapwa lalo na sa mga nangangailangan.

7. BE FLEXIBLE. Hindi ito pagyo-yoga, ang ibig sabihin nito ay maging maalam tayo sa lahat ng gawain para kahit saan tayo isabak ng panahon, eh, makalalaban tayo. Laban!

8. LOVE WHAT YOU ARE DOING. Im­portante na mahal mo ang iyong ginagawa para masabing kapaki-pakinabang kang tao dahil ka­hit kailan, ang pagmamahal ay hindi naging mali lalo na kung ito ang nagpapabuti sa’yo bilang indibidwal.

Oh, ayan, ‘ika nga, mas nagiging better person tayo base sa ating pinagdaraanan, kaya make sure na ang bawat pagsubok na ito ay ating pinag­hahandaan.

Magkaroon tayo ng disiplina at respeto sa bawat isa, sa ganitong paraan, makaga­gawa tayo ng maganda, hindi lang para sa mga taong ma­lalapit sa atin kundi pati rin sa iba na nakasa­salamuha natin, araw-araw.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page