Drug den ni-raid | 2 HULI SA AKTONG NAGRE-REPACK NG SHABU

ARESTADO ang dalawang lalaki na nahuli sa aktong nagre-repack ng shabu nang salakayin ng mga awtoridad ang isang drug den sa Bgy. San Nicolas, Cebu City kahapon.
Bukod kina Kevin Mendoza, 37, at Junnel Paredes, 28, nahuli rin sa operasyon ang itinuturing na ‘lookout’ o spotter na si Alain Encalado, 52.
Base kay Chief Inspector Keith Allen Andaya, nakumpiska ang nasa mahigit P100,000 halaga ng shabu sa mga suspek nang isagawa ang anti-drug operation pasado alas-2:00 ng madaling-araw sa isang abandonadong bahay na ginawang drug den.
Nabatid sa imbestigasyon na ang pagsalakay sa lugar ay bahagi ng follow-up operation sa pagkakahuli sa isa pang drug personality sa Bgy. Tisa kung saan inginuso nito sina Mendoza at Paredes na siyang pinagmumulan ng ipinakakalat na kontrabando sa lugar. Habang si Encolado naman ay nagulat sa ginawang pagsalakay ng mga awtoridad na nahuli rin na bumabatak ng shabu.





Comments