top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Bago pa baligtarin ng mga dilawan ang istorya | Kontrobersiyal na kontrata sa passport, talupan na!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 25, 2019
  • 3 min read

MALINAW na may korupsiyon sa P38 bilyong kontrata para sa paglimbag ng e-passport dahil sa pagtatago ng administrasyong Aquino sa pakikipag-aregluhan ng United Graphic Expressions Corp. (UGEC) at ng APO Production Unit (APU), ang ahensiya sa ilalim ng Presidential Communications Operations Office.

Hindi umano ipinaalam sa publiko nina ex-P-Noy at ex-PCOO Sec. Herminio Coloma na pribadong kumpanya ang UGEC na gagawa ng pasaporte ng mga Pilipino at hindi ang APU.

Ayon sa batas, tatlong ahensiya lamang ng gobyerno ang maaaring maglimbag ng mga pasaporte dahil mataas ang security risk kung pribadong kumpanya ang hahawak ng datos na nakasaad dito. Ito ay ang APU, ang National Printing Office at ang Bangko Sentral ng Pilipinas.

Naging kontrobersiyal ang pasaporte dahil sa iligal na kontratang ginawa umano noon ng administrasyong Aquino. May joint venture raw na itinayo sa pagitan ng UGEC at APU, pero “pekeng aregluhan” daw ito, ayon mismo sa Commission on Audit na nag-imbestiga rito.

Kunwari lang na “mag-partner” ang APU na may hawak daw na 10 porsiyento ng JV, pero ang 90 porsiyento na kita ay mapupunta sa UGEC.

Ang masakit pa nito, sinisingil umano ng UGEC ang gobyerno ng P700 milyon bawat taon para sa “rental” ng makinarya nito!

Ang may-ari umano ng UGEC ay ang bilyunaryong si Iñigo Zobel, kaanak ng pamilyang Ayala ng Makati at tagasuporta ng Aquino-Cojuangco. Alam kaya ni Zobel na maaari siyang masangkot sa anumang kasong graft and corruption?

Isipin ninyo, P400 lang ang puhunan sa paggawa ng pasaporte — papel lang ito at may “chip” tulad nang inilalagay sa cellphone, ngunit, ang singil ng UGEC ay P950 bawat pasaporte. Wow, tubong-lugaw na P550.

Nadiskubre ni ex-DFA Sec. Pefecto Yasay, Jr. ang kalokohan sa pasaporte, pero dahil malakas ang kanyang “nakaaway” hindi siya nakumpirma ng Kongreso.

Kahit si ex-DFA Sec. Alan Peter Cayetano, nabalitaan din ang tungkol sa pasaporte, pero wala siyang nagawa. Natakot siguro itong matulad sa nangyari kay Yasay na biglang nawala sa puwesto.

Ngayon, si Sec. Teodoro “Teddy Boy” Locsin. Jr. na ang bagong hepe ng DFA. May reputasyon si Sec. Locsin na matapang.

Ang tanong, kaya ba niyang banggain ang mga dilawang nakasama niya noon sa administrasyong Cory Aquino?

Pinag-aaralan pa raw ng Malacañang ang isyu ng pasaporte, lalo na at iligal umano ang aregluhan sa pagitan ng UGEC at APU.

Dapat bilisan nila ang pag-imbestiga sa isyung ito. Ngayon pa lang, posibleng baligtarin na ng mga dilawan ang istorya at sabihing administrasyong Duterte ang may kasalanan dahil ito ang nag-implementa ng kontrata sa pagitan ng UGEC at APU.

Ang BSP ang gumagawa ng mga pasaporte. Istrikto ang BSP pagdating sa seguridad dahil sila rin ang naglilimbag ng mga pera sa bansa, pero noong Nobyembre 2014, kinuha umano ni ex-PCOO head Coloma ang kontrata mula sa BSP at ibinigay ito sa APU, na ang chairman noon ay kilalang “Coryista” na si Mila Alora.

Sabi ng iba, “clueless” daw si ex-P-Noy kung may korupsiyong ginagawa ang mga tao niya, pero magaling daw itong mag-istratehiya at “pasimple” lang para hindi halata.

Hanggang ngayon, naghihintay tayo ng sagot mula kay Zobel kung bakit niya pinatulang bilhin ang UGEC, pinakiusapan lang ba siya ng tanyag na dilawan na tumulong?

Si ex-P-Noy daw mismo ay itinago ang JV sa pagitan ng UGEC at APU. Noong pumunta siya sa pagbubukas ng “APU High Security Printing Plant” sa Lima Technology Park sa Batangas, hindi niya binanggit ang joint venture.

Pinalabas nilang APU ang naglilimbag ng pasaporte, pero ang totoo, UGEC ang nagpapatakbo ng operasyon at ito rin umano ang may-ari ng kumpanya, JV at “token owner” lang ang APU.

Halos lahat ng manggagawa ng JV para sa pasaporte ay nanggaling sa UGEC. Ang mga empleyado ng APU ay nandoon lang daw pang-”show” para mapagtakpan na pribadong kumpanya ang gumagawa ng trabahong dapat gobyerno ang may responsibilidad.

Hindi ba, si ex-P-Noy, palaging nagmamalaki ng mga “public-private partnership”? Bakit kaya ang JV ng UGEC at APU, hindi niya binanggit?

Obvious na itinatago nila ito at nabisto lang nang hindi nanalo ang dilawang kandidato noong Mayo 2016 Presidential Elections.

Itinago nila, dahil alam nilang labag ito sa batas. Itinago rin nilang hindi nag-public bidding ang gobyernong Aquino nang ibinigay nito ang kontrata sa UGEC.

Ipinagmamalaki ni Coloma na “achievement” nila ang pagpapatayo ng “APU High Security Printing Plant”, pero hindi niya sinasabi sa publiko na ang may-ari ng 90 porsiyento ng kumpanya ay pribadong kumpanya na pag-aari umano ng crony ni ex-P-Noy.

Hindi ba, ayaw ng mga dilawan sa diktador at “crony” na kumpanya?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page