Alamin mula kay Señor... KAALAMAN TUNGKOL SA EPEKTO NG LUNAR ECLIPSE
- BULGAR

- Jan 25, 2019
- 2 min read
Bigyang-daan natin ngayon ang email ni Jomar ng Jomar_Jomarie@facebook.com
Dear Señor,
Ano ang epekto ng lunar eclipse sa atin? Masama ba ito o mabuti?
Naghihintay,
Jomar
Sa iyo Jomar,
Para sa iyong kaalaman, ang lunar eclipse ay nangyari noong Enero 20 sa mga bansa sa Amerika. Sila ang sinasabing nakaranas ng kakaibang larawan o anyo ng buwan kung saan ang anino ng earth ay tatakip sa buwan kaya magdidilim o mararanasan ang kadiliman sa ibang bahagi ng mundo, partikular na sa Amerika.
Pero, sa ibang bahagi ng mundo, normal lang ang larawan ng buwan, kumbaga, walang anumang pagdidilim ang makikita, kaya ayon sa mga astrolomer, walang epekto ang lunar eclipse sa ibang bahagi ng mundo.
Ayon naman sa mga astrologer, may epekto ang lunar eclipse sa earth lalo na sa mga taong naninirahan dito.
Ang totoo, Jomar, ang astrology ang kinikilalang “mother of all science and knowledge”, kumbaga, ang lahat ng karunungan at kaalaman ay nag-uugat sa astrology. Nabago lang ang pangalan ng mga dalubhasa tungkol sa mga bituin o planeta, ngunit, hindi kayang baguhin ng mga astronomer ang pangalan ng mga bituin at planeta.
Kahit ang mga pangalan ng araw ay nananatiling astrological terms — Sunday, Monday, Tuesday, Wednesday, Thursday, Friday at Saturday.
Ang mga kaganapan sa kalangitan kahit pa naranasan sa ibang lugar ay may epekto sa buong mundo. Kaya nang lumitaw sa Bethlehem ang “Star of Bethlehem”, ang buong mundo ay masayang sinalubong ang pagsilang ng Tagapagligtas.
Nang makita ni Moses ang palatandaan ng pagbaha na may dugong mahuhulog mula sa langit, mabilis niyang isinakay sa kanyang barko ang lahat ng hayop na maililigtas dahil magsisimula na ang paggunaw ng mundo.
Ang nakita ng Tatlong Haring Mago sa Bethlehem at ang nakita ni Moses na dugo sa langit ay hindi nakita sa lahat ng bansa, pero ang epekto nito ay masasabing totoo.
Ayon sa mga astrologer, kapag naging kulay pula ang buwan tulad ng lunar eclipse, maraming tao ang maaapektuhan ang utak kung saan darami ang bilang ng mga magpapakamatay, magkakaroon ng karamdamang pang-mental at ang sakit na airborn ay maglalabasan sa iba’t ibang panig ng mundo.
Pero, ang higit na darami ay ang mga nagbabalik-loob sa Diyos, kaya ang mga relihiyoso ay makikitang aktibo.
Dagdag pa ng mga astrologer, bago pa man ang aktuwal na eclipse ay mangyayari na ang mga ito.
Totoo man o hindi, ang ganitong nakagugulat na kaganapan ay malalaman nating lahat sa mga balita at iba pang pinagkukuhanan ng mga kaalamang nagaganap sa kasalukuyan.
Good luck and God bless!




Comments