YUNHO, NILASON NG GALIT NA FAN, NA-TRAUMA SA PAG-INOM NG ORANGE JUICE
- Lee Vin Nia
- Jan 25, 2019
- 2 min read

DAHIL sa pagkakalason sa kanya ng isang anti-fan noong 2006, Yunho of TVXQ pop duo revealed na nagkaroon siya ng trauma at matagal-tagal ding hindi uminom ng orange juice na siyang ipinainom sa kanya noon without knowing na “poisoned” ang drink.
“I suffered from anxiety disorder following the poisoned drink incident in 2006. I couldn’t drink orange juice for a while,” ang pagtatapat ni Yunho sa recent guesting niya sa talk show na Radio Star ng MBC.
Dagdag pa ng singer, talagang sinikap niyang ma-overcome ang kanyang trauma at pinilit ang sarili na uminom ng orange juice.
“I got so angry with myself. I believed it’s an illness of the mind so I decided to solve the root of the issue. I prepared 10 bottles of orange juice and opened it up. My hands started shaking, but I ignored the shaking and just drank it. I didn’t get better right away after drinking it once but I gradually got better,” pahayag pa ni Yunho.
Thankfully, ngayon daw ay okay na okay na siya sa orange juice.
“Now I don’t have any issues. I can one shot the whole thing after taking the lid off,” he said.
Sa mga hindi nakakaalam ng buong kuwento, ayon sa report ng AllKPop, noong October, 2006, matapos ang release ng TVXQ’s third album na O-Jung.Ban.Hap, may isang babae na nagbigay kay Yunho ng orange juice na hinaluan ng super glue.
Matapos itong inumin ni Yunho, nagsimula nang magsuka ang singer kaya kaagad na isinugod sa emergency room ng hospital. Ilang araw ding nanatili sa ospital ang idol habang ginagamot. Good thing na na-survive niya ito pero ikina-shocked talaga ito ng mga South Koreans at maging ang international fans na mahihilig sa K-pop.
It turned out na ang babaeng gumawa nito (na may surname na Ko) ay miyembro ng anti-TVXQ website na sumuko naman daw dahil sa kanyang ginawa, pero si Yunho na mismo ang nag-request na huwag nang magsampa ng charges against her at pinakawalan na ito.




Comments