top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

2 ‘mag-asawa’ tiklo sa droga

Levi Gonzales / Maeng Santos
Jan 25, 2019
2 min read

DALAWANG mag-live-in partner ang nahuli sa iligal na droga sa mag­kahiwalay na insidente.

Sinasabing nanlaban ang mister sa mga ope­ra­tiba bago napatay sa inilatag na buy-bust operation sa Bgy. Duru­ngao, Balayan, Batangas.

Alas-12:40 ng hating­gabi nang gumamit pa ng confidential asset ang pulisya upang makabili ng 2 sachets ng sinasabing shabu kapalit ang P1,000.

Nagpositibo ang suspek na nasawing si Lorenzo Vizconde, 50.

Nakatunog umano ito na pulis ang kanyang kausap hanggang sa bumunot ng baril saka pinaputukan ang dala­wang assets kung saan mabilis din ang kanilang pagganti ng putok laban sa kanya.

Bumulagta ang sus­pek habang naaresto naman ang kinakasama nitong si Manilyn Go­des, 25. Narekober sa kanila ang 5 plastic sachets na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu at baril nitong ginamit.

Ang suspek umano ay kabilang sa grupo ng Mamayog Drug Group na nagsu-supply ng droga sa unang distrito ng Batangas.

Samantala, kalaboso rin ang construction worker at kanyang live-in partner matapos ma­aktuhan ng mga pulis na abala sa pagbusisi ng sachet ng shabu sa loob ng sementeryo sa Mala­bon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Malabon Police PCI Romulo Mab­borang ang mga naaresto na si Richard Molino, 34, at Lilibeth Beltran, 41, ng Bgy. Tugatog.

Ayon kay PO3 Jun Belbes, alas-2:00 ng hapon, nagsasagawa ng anti-criminality campaign ang mga tauhan ng Police Community Pre­cinct-4 sa pangunguna ni PO2 John Eric Ocampo sa loob ng Tugatog Public Cemetery nang makita ang mga suspek na nakaupo sa ibabaw ng nitso ha­bang abala sa pagbu­sisi ng plastic sachets.

Nilapitan ng mga pulis ang mga suspek saka inaresto at nakumpiska sa mga ito ang dalawang plastic sachets na nagla­la­man ng hindi pa matu­koy na halaga ng hini­hinalang shabu.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page