Tumatawid sapol sa motor, dedbol
Levi Gonzales
Jan 24, 2019
1 min read

DEDBOL ang isang construction worker makaraang mabangga ng motorsiklo sa Bgy. Bolbok, Batangas City.
Tumatawid ang biktimang si Dante Navarro nang hindi nito napansin ang humaharurot na motorsiklong minamaneho ni Kenneth Joshua Habig.
Tumilapon ang biktima sa gitna ng daan maging ang rider ng motorsiklo kung saan kapwa sila isinugod sa pagamutan.
Dead-on-arrival sa ospital si Navarro habang nasa malubhang kalagayan ang rider na si Habig.





Comments