Rider sumalpok sa kotse, dedo

DEDO ang rider matapos tumama sa kanang bahagi ng papalikong kotse ang kanyang minamanehong motorsiklo sa Malabon City, kahapon ng madaling-araw.
Dead-on-arrival sa MCU Hospital sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan si Arshian de Belen, 29, car jocky ng peaks motor sa Abad Santos at residente ng Tondo, Manila.
Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang driver ng Toyota Vios na si Earl Joseph Domingo, 22, account specialist at residente ng Valenzuela City.
Ayon kay Vehicular Traffic Investigation Unit SPO3 Francisco Verzosa, alas-12:10 ng hatinggabi, mabilis umanong tinatahak ng rider ang southbound lane ng McArthur Highway nang tumama ang kanyang motorsiklo sa kanang pinto ng kotse na minamaneho ni Domingo habang papaliko pakaliwa patungong Del Monte Avenue, Bgy. Potrero.
Sa lakas ng impact, tumilapon ang biktima na mabilis namang isinugod sa naturang pagamutan ng rumespondeng Malabon Rescue Team habang kusang-loob namang sumuko sa pulisya si Domingo.





Comments