top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Nanay tulog, nasalisihan ng kalugar | 8-MONTH-OLD BEYBI, NI-RAPE

Mylene Alfonso
Jan 24, 2019
1 min read

TIMBOG ang isang 22-anyos na construction worker matapos pagsamantalahan ang walong buwang sanggol noong Linggo ng umaga sa Malate, Manila.

Nakapiit ngayon sa Manila Police District-Station 9 ang suspek na si Benedicto Dizon alyas Jumong at residente ng Malate.

Ito ay matapos ireklamo ni ‘Bea’, 16, nanay ng biktimang si ‘Joy’, 8 buwan.

Alas-5:00 ng madaling-araw, natutulog ang mag-ina nang pumalahaw ng iyak ang sanggol at nakitang nakapatong ang suspek na nakababa ang suot na shorts.

Nagtatakbo ang suspek habang agad namang nagreklamo ang ina ng biktima sa pulisya.

Nang dalhin sa Philippine General Hospital at ipina-medical, nagpositibo umano na ni-rape ang sanggol dahil sa nakitang laceration sa ari nito.

Naaresto naman ang suspek matapos ang isinagawang follow-up operation sa kanyang bahay.

Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 8353 (Anti-Rape Law) at R.A. 7610 (Sexual Abuse) ang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page