top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Nanalo sa sabong | MAG-AMO PINAG-BABARIL, PATAY

Jeff Tumbado
Jan 24, 2019
1 min read

PAGNANAKAW ang nakikitang anggulo sa nangyaring pananambang sa mag-among sakay sa kotse sa McArthur Highway, Bgy. Banga, Meycauayan, Bulacan.

Nabatid kay Chief Inspector Alexander Dioso, galing sa sabungan ang mag-among sina Andres Limcuado at Rodelio Ampunin nang pagbabarilin ng dalawang sakay ng motorsiklo sa naturang lugar pasado alas-2:00 ng madaling-araw ng Martes.

Habang binabaril, nagawa pa umano ni Limcuado na maiatras ang kanyang sasakyan ng dalawampung metro subalit, sinundan ito ng putok ng mga suspek.

Dahil sa walang tigil na pagpapaulan ng bala sa sasakyan ng mga biktima ay halos maburdahan ng tama ng bala ang mga salamin ng kotse na siyang agarang ikinasawi ng mag-amo.

Nawawala naman ang bag na naglalaman ng malaking halaga ng pera na napanalunan ng mga biktima sa isang sabungan sa Marilao, Bulacan.

Umaasa ang mga pulis na nahagip ng ilang CCTV camera ang insidente ng krimen na makatutulong sa agarang paglutas nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page