top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Mga cong., atras sa 9-anyos | 12, MINIMUM AGE OF CRIMINAL RESPONSIBILITY

Vyne Reyes
Jan 24, 2019
1 min read

MABILIS na nailusot sa ikalawang pagbasa sa plenaryo ng Kamara ang House Bill 8858 o ang pagpapababa sa edad na pupuwedeng magkaroon ng criminal responsibility na magiging 12 taon mula sa kasalukuyang 15-anyos.

Kasunod ito ng isinagawang period of interpellation at amendments ng mga mambabatas sa panukalang layong amyendahan ang Republic Act 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act of 2006.

Ginawang 12-anyos ang minimum na edad mula sa naunang isinusulong na 9 taon kasunod na rin ng konsultasyon sa mga miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Muli ay iginigiit ng nagtulak ng panukala na walang pagkakapiit para sa mga menor-de-edad na crime offender pero, may mandatory confinement sa institusyon tulad ng Bahay Pag-asa para sa rehabilitation at reformation.

Kabilang sa mga exclusive offense na inilatag sa Substitute Bill ay ang mga kasong murder, parricide, infanticide, homicide, rape, rape with homicide, robbery with homicide, carnapping, serious illegal detention at illegal drugs.

Hindi rin ihahalo sa ibang nakatatandang detenido ang mga batang nasangkot sa krimen na tatawaging children in conflict with the law.

Kung umabot na ng 18-anyos ang bata pero, hindi pa rin nagbago, maaaring ipataw na ang parusa na naangkop sa ginawa nitong kasalanan ngunit, hanggang umabot sa edad na 25 lang niya bubunuin ito.

Mayroong itinatakdang parusa sa sinuman na matutukoy na gumagamit sa mga bata para gumawa ng krimen, gayundin sa mga magulang na pupuwedeng mapiit ng mula 30 araw hanggang anim na buwan kung hindi magpapasalang sa mandatory intervention program kabilang na ang parenting seminar at counseling.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page