top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Lalo na ngayong ang dami ng manloloko... MGA PARAAN PARA HINDI MAISAHAN SA PAGBILI ONLINE

  • No Problem
  • Jan 24, 2019
  • 2 min read

NO PROBLEM

“ADD to cart”, ito ang pinakakinatatakutan ng lahat dahil ito na ang hudyat kung saan hindi mo mapigilan ang pagbili sa online, ‘yun lang! Pero, ramdam namin kayo, mga beshy, lalo na kapag medyo kabado kayo dahil takot kayo sa mga pekeng seller. Kaya alamin kung ano ang dapat ninyong gawin para masigurong legit ang inyong pagbibilhan.

1. SHOP AT WEBSITES YOU TRUST. May ilang website na ang sikat, girl, kaya kung bet mo na legit ang item, eh, du’n ka na lang bumili at huwag ka nang mag-take ng risk para hindi ka mapahamak. Okie?

2. CHECK OUT THE BUSINESS. Itsek mo kung legit ba ang seller sa pamamagitan ng kanyang social media, kung makikita mong maraming nagko-comment ng maganda sa kanyang ibinebenta, eh, ibig sabihin, real na real siya.

3. BEWARE OF ROCK-BOTTOM PRICES. Huwag magpauto sa mga sale na “too good to be true” dahil baka kapag kinagat mo ito at nakuha mo ang item na binili mo, eh, umiyak ka na lang dahil napeke ka na pala. Hassle, ‘di ba?

4. AVOID PUBLIC Wi-Fi. Iwasang um-order sa online kapag nakikigamit lang ng WiFi sa pampublikong lugar dahil dehins natin knows kung paano na gumagana ang teknolohiya ngayon, maaaring malaman nila ang credit card information ninyo. Tsk!

5. DON’T GIVE OUT TOO MUCH INFORMATION. Huwag OA sa pagtitiwala, beshy, ‘yan tayo, eh, kaya nasasaktan kasi ibinibigay ang lahat-lahat kahit alam namang walang kapalit at lolokohin din naman. Hugot!

6. CHECK YOUR STATEMENTS. Mainam na namo-monitor ninyo ang statement ng inyong bills nang sa gayun ay masiguro ninyo kung tamang halaga ba ang nakuha sa atm o credit card ninyo. Ganern!

7. MIND THE DETAILS. Make sure na may resibo kayo nang sa gayun kung dehins n’yo bet ang item, eh, keri n’yo pa itong maibalik sa seller lalo na kung hindi worth it ‘yung price sa quality, mga lodi!

8. TAKE ACTION IF YOU DON’T GET YOUR GOODS. Kung sobrang tagal na ng hinintay mo, pero wala pa rin ang item na in-order mo, ‘yung tipong nag-birthday ka na, tapos wala pa, umaksiyon ka na, mamsh! Nakapapagod kaya ang maghintay sa wala. Char!

9. MAKE A RESOLUTION. Dahil panibago na ang taon ngayon, magkaroon dapat tayo ng resolution sa pagsa-shopping online nang hindi tayo naloloko ng mga wais na tindera at tindero. Kaloka sila! Ha-ha-ha!

10. CHECK RATINGS. Kung nakita mong sobrang taas ng ratings at kinabog pa ang ratings ng mga teleserye sa TV, huwag ka ng magdalawang-isip pa, mamsh, ibig sabihin, legit seller ‘yan. So, hindi mo na kailangang mangamba, i-add-to-cart mo na ‘yan, ganundin naman. Hi-hi-hi!

Tayong mga Pinoy, kahit walang pera, eh, ang hihilig pa rin nating bumili ng bagay na hindi naman natin kailangan, kaya make sure na huwag tayong magpapaloko dahil ang perang ipinambibili natin sa mga ito ay hindi na ganu’n kadaling kitain ngayon.

Be smart, mga beshy!

Gets mo?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page