Kung si Alden, game makasama sa movie…ARJO, AYAW MAGING LEADING LADY SI MAINE
- BULGAR

- Jan 24, 2019
- 1 min read

SA interview naman kay Arjo Atayde after ng presscon proper nila para sa ‘Tol movie ng Reality Entertainment, isa sa mga naitanong namin sa guwapo at magaling na aktor ay kung gusto ba niyang maging leading lady sa movie ang nali-link sa kanya ngayong Dubsmash Queen na si Maine Mendoza.
Ngayon pa lang kasi, mula nang pumutok ang pagkakamabutihan nila, ang dami nang namba-bash kay Arjo na ginagamit lang si Maine para sumikat at magkaroon ng projects, which is so untrue.
Bulag ba, syunga o may memory gap ang mga bashers na ‘yan at ‘di nag-iisip na bago pa man na-link si Arjo kay Maine, tumatak na ang pangalan ng anak ni Ms. Sylvia Sanchez dahil napakagaling nitong kontrabida ni Coco Martin sa Ang Probinsyano.
So, ano’ng sinasabi nilang sumisikat lang si Arjo dahil kay Maine? Manahimik, ‘no!
Anyway, eto nga ang sagot ni Arjo sa tanong namin, “No, this is personal level, not a showbiz thing.”
So, in short, ayaw niyang haluan ng ka-showbiz-an ang relasyon nila ni Maine kaya hangga’t maaari raw ay ayaw niyang magsama sila sa isang movie o project.
How about Alden Richards, gusto ba niyang maka-work?
“I’m open to work with anybody. I already said this,” sagot ni Arjo.
Basta raw fit sa kanila ni Alden ang role ay payag siya.
Oh, ha? Let’s see kung maiko-consider ng Reality Entertainment at magagawan ng paraan na mapagsama sa isang movie sina Arjo at Alden.





Comments