Kelot lasog sa tren

NAHAGIP ng rumaragasang tren ng Philippine National Railways (PNR) ang isang hindi pa kilalang pedestrian sa Taguig City, kamakalawa ng gabi.
Dead-on-the-spot ang lalaking biktima na nasa edad 40, nakasuot ng asul na maong short at walang damit pang-itaas dahil sa matinding pagkakalasog ng iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.
Base sa ulat ng Southern Police District, naganap ang aksidente sa riles sa southbound ng Bgy. Tanyag, Taguig City, alas-8:20 ng gabi.
Sa imbestigasyon ni PO2 Stephen Robles, naglalakad umano sa gilid ng riles ang lalaki nang biglang mahagip ng PNR train na may Body Number MCE 1907 na patungo sa direksiyon ng timog.
Sinasabing nakaladkad pa umano ng ilang metro ang biktima bago tumilapon na sanhi ng kanyang agarang kamatayan.
Natagpuan alas-8:30 ng gabi ng isang concerned citizen ang lasog na bangkay ng biktima sa riles at ipinaalam ang insidente sa mga barangay tanod.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang awtoridad sa nasabing insidente.





Comments