top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

HOROSCOPE | ENERO 24, 2019 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 24, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG ENERO 24, 2019 (Huwebes): Ipinanga­nak ka para sa maganda, kaya inaasahan na ang ma­gaganda ay para sa iyo, partikular na ang magan­dang kapalaran.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Inspirasyon ang magtutu­lak sa iyo upang mas lalo pang gumanda ang iyong kapalaran. Da­hil dito, marami kang ma­giging inspirasyon sa bu­hay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­werteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-11-18-20-24-32.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nagsisimula na ang kapala­ran na ayusin ang iyong buhay. Huwag kang mabibigla sa mga pagbabagong magaganap. Ang mga ito ay para sa ikagaganda ng buhay mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-12-14-26-30-36.

GEMINI (May 21- June 20) - Nakatutok sa iyo ang mga mata ng iyong mga tagahanga. Inaasahan nila na hindi ka magbaba­go, pero mas gaganda ka pa sa kanilang paningin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-18-20-25-38-41.

CANCER (June 21- July 22) - Muling nagbalik ang malakas mong karisma na puwede ring masabing malakas na ga­yuma. Ito ay magandang balita, pero pinag-iingat ka sa mga taong walang ibang magawa kundi ang manira ng kapwa. Masu­wer­teng kulay-blue. Tips sa lotto-6-19-22-28-34-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hin­di ka masisisi kung ang pipi­liin mo ay ang maganda dahil ang totoo, ito ang magpapaganda sa buhay mo. Ito ang sim­pleng batas ng kapalaran na hindi mahirap mauna­waan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-15-23-39-40-45.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mayroong tao na pilit inaalam ang personal mong buhay, ang hindi niya alam, maaaring mahulog ang loob niya sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-vio­let. Tips sa lotto-4-13-18-23-33-36.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong pahirapan ang sarili mo na para bang naiipit ka sa si­nasabi ng iba na salungat sa gusto ng iyong damda­min. Ikaw ang may hawak sa kapalaran mo, kaya sa­rili mo ang sundin mo. Ma­suwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-9-15-16-20-23.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Luluwag ang landas ng buhay mo dahil kusang mag-aatrasan ang malalaking pagsubok na dapat ay hahamon sa iyong kakayahan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­werteng kulay-red. Tips sa lotto-6-10-14-21-22-25.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lihim kang hinahangaan ng lihim mo ring tinititigan. Ano kaya ang mangyayari sa hina­ha­rap? Simple lang, ka­yong dalawa ay magkaka­roon ng sikreto na kayo lang ang nakaaalam. Masu­wer­teng kulay-brown. Tips sa lotto-1-16-18-31-36-43.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakatutuwa ang kapala­ran mo ngayon da­hil ang langit ang magpa­pasya na pagalawin ang gulong ng iyong kapalaran para gumanda ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-11-18-20-33-38.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sobrang nakakakaba ang kapalaran mo. Dumarami ang mga nagkakainteres sa iyo at kung magkakamali ka ng pasya ay magugulo ang bu­hay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-18-21-28-35-37.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Habang nang­gi­gigil ang mga kaaway mo sa iyo nang palihim ay mas lalo pang gumaganda ang kapalaran mo sa kanilang paningin. Pero, ikaw ay pi­nag-iingat pa rin dahil hindi pa sila tumitigil. Masuwer­teng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-14-20-21-26-35.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page