Hinabol ng taga ng kapitbahay | LALAKI NABUNDOL SA TRIKE, NAABUTAN, KINATAY

PATAY ang 57-anyos na lalaki makaraang habulin ng taga sa Bgy. Dalahican, Lucena City, Quezon.
Pasado alas-6:00 ng gabi nang magkagulo sa lugar kung saan hinabol ng taga ng suspek na si alyas Bai de Guzman, ang biktimang si Benjamin Martinez, may live-in partner, kapwa naninirahan sa nasabing lugar.
Nabundol pa ng tricycle ang biktima kaya naabutan ito ng suspek hanggang sa undayan ng saksak sa kanang kilikili hanggang sa mapatay.
Nakaligtas naman ang kapatid ng biktima sa tangkang pananaga ng salarin.
Nagsasagawa na ng manhunt operation ang kapulisan para sa ikadarakip ng suspek.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.





Comments