top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Gustong ireklamo sa barangay ang batang nambu-bully sa kanyang anak

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 24, 2019
1 min read

Dear Chief Acosta, Maaari ko bang ireklamo sa barangay ang anak ng kapitbahay namin na madalas nambu-bully sa anak ko? Kaklase niya ito sa eskuwelahan kaya nai-report na rin namin ito ngunit, hindi ako kuntento sa parusang ipinataw ng eskuwelahan sa bata. — Steve

Dear Steve, Para sa inyong kaalaman, ang Section 10 (A), Rule VI ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act No. 10627 o ang “Anti-Bullying Act of 2013” ay ang batas na naaangkop sa inyong sitwasyon. Ayon sa nabanggit na panuntunan:

“Section 10. Procedures in Handling Bullying Incidents in Schools

A. Jurisdiction.

Complaints of bullying and other acts under this IRR shall be within the exclusive jurisdiction of the Department or the private school and shall not be brought for amicable settlement before the Barangay, subject to existing laws, rules and regulations. Complaints for acts covered by other laws shall be referred to the appropriate authorities.” (Binigyang-diin)

Malinaw sa nabanggit na panuntunan na wala sa kapangyarihan ng katarungang pam-barangay ang mga reklamo na mayroong kinalaman sa anti-bullying. Ito ay sa dahilang tahasang isinaad sa nabanggit na panuntunan na ang tanging may hurisdiksiyon sa mga ganitong uri ng reklamo ay ang Kagawaran ng Edukasyon o kaya ay ang pribadong paaralan kung saan naganap ang nasabing akto ng bullying.

Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page