Engineer nilikida ng tandem
MAGUINDANAO—Isang engineer ang napatay nang barilin ng riding-in-tandem, kamakalawa sa Bgy. Pagagawan, Datu Montawal sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Engr. Joseph Adam, empleyado ng National Irrigation Administration (NIA) na nakabase sa North Cotabato.
Nabatid na lulan ng kotse si Adam nang sumulpot ang dalawang hindi kilalang lalaki na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril hanggang sa mapatay ang biktima.
Iniimbestgahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.





Comments