top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

DAVAO COCOLIFE TIGERS, 16-4 NA, GENSAN, PINIGILAN ANG BASILAN

MC / Alvin Olivar
Jan 24, 2019
1 min read

IBINUHOS ng bisitang Davao Occidental Cocolife Tigers ang bangis nito kontra host Marikina Shoemasters,80-68 sa ikalawang yugto ng eliminasyon sa Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup na idinaos sa Marist School Gym nitong weekend sa Marikina City.

Nagsanib-puwersa ang Tigers ni team owner Claudine Bautista na ayudante nina Cocolife president Elmo Nobleza, FVP Joseph Ronquillo at AVP Rowena Asnan, sa pangunguna nina PBA veteran Leo Najorda, Mark Yee, Billy Robles at Bonbon Custodio upang kontrolin agad ang laro sa first half pa lang.

Nagsagawa ng rally ang Marikina sa pangunguna ni ex-pro Jondan Salvador pero agad itong nasupil ng depensa sa lagare ni bigman Bogs Raymundo at Davao homegrowns Emman Calo at Joseph Terso tungo sa pagtala ng ika-16 na panalo sa 20 na laro at humigpit ang hawak sa liderato sa south division. Samantala, sa iba pang laban, bumanat si John Orbeta ng krusyal na tres habang si Mark Racho ay nakatuwang din upang iangat ang General Santos City sa 83-81 win laban sa Basilan sa Cuneta Astrodome.

Bumida si Orbeta maging noong Lunes na laro nang i-swak ang final 3 points sa nalalabing 54 segundo para sa 82-79 kalamangan. Bumanat si Dennis Daa ng lay up sa natitirang 46 segundo, para idikit ng Steel ang iskor, pero nakapagpa-foul si Racho kaya may dalawang librang tira ito sa final tally.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page