Dahil sa sintomas ng meningococcemia | ER NG GAT ANDRES BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CENTER, ISINARA
- Mylene Alfonso
- Jan 24, 2019
- 1 min read

PANSAMANTALANG isinara ng pamunuan ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ang kanilang emergency room dahil sa hinalang may sintomas ng meningococcemia.
Kinakitaan umano ng sintomas ng naturang sakit ang isang 55-anyos na pasyente kaya agad na isinara ang ER.
Pinayuhan ng pamunuan ng GABMMC na lumipat na muna sa ibang pagamutan ang mga pasyente hanggang hindi pa lumalabas ang resulta ng mga laboratory test na isinagawa sa pasyente.
Inatasan din ang lahat ng hospital staff at guwardiya ng pagamutan na magsuot ng hospital mask upang hindi mahawa.
Kabilang sa nakitang sintomas sa pasyente ang pagkakaroon nito ng mataas na lagnat, pananakit ng ulo, ubo, sore throat, pananakit ng mga kalamnan, pagiging iritable, pagsusuka at tulduk-tuldok na rashes na karamihan ay nasa binti.





Comments