6 tulak timbog sa drug den
- Pabs Hernandez III
- Jan 24, 2019
- 1 min read
TAWI-TAWI—Anim na drug pushers ang nadakip sa isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad sa drug den sa Bgy. Pahut, Bongao sa lalawigang ito.
Kinilala ang mga suspek na sina Haybatul Ammad, Marvin Mustala, Renante Villegas, John, Junjun at Adzhar na pawang may apelyidong Aukasa, pawang residente sa nasabing bayan.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 11 sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments