Utak sa pagpatay kay Rep. Batocabe | MAYOR BALDO, ARESTADO

ISINAILALIM na sa kustodiya ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group ng Police Regional Office-5 (PNP-CIDG-Bicol Region) si Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo, ang itinuturong mastermind sa pagpaslang kay Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe.
Ito ay kasunod sa isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad sa bahay ni Baldo sa Bgy. Tagas, alas-2:30 ng hapon, kahapon.
Ayon kay Senior Supt. Rolando Ardiente, bitbit ang dalawang search warrants sa ginawang pag- raid sa bahay ng naturang alkalde.
Ang unang warrant ay para sa loose firearms at ang ikalawa ay para sa sasakyan na ginamit na getaway vehicle sa krimen.
Nakumpiska ng pulisya sa paghalughog sa bahay ni Baldo ang dalawang .45 caliber pistol, ilang piraso ng granada, anim na grenade launchers at samu’t saring amunisyon.
Dito nakuha rin sa operasyon ang isang Nissan Alterra na nasa garahe sa loob ng compound ng bahay kung saan sinasabing ginamit ng naarestong gun-for-hire group ni Baldo bilang get- away vehicle ilang sandali matapos isagawa ang pagpatay kay Batocabe.
Agad dinala sa CIDG-Bicol sa Legaspi City ang dinakip na mayor at inaasahang ililipad patungong Camp Crame sa Quezon City para tuluyan itong ikulong.





Comments