Taliban umatake, 100 patay
PATAY ang isandaan katao matapos ang pag-atake ng Taliban sa Kabul, Afghanistan.
Pinasabog umano ng mga suspek ang ninakaw nilang military Humvee na puno ng pampasabog sa training center ng National Directorate for Security sa Maidan Wardak Province.
Gayunman, nagpaputok pa umano ang mga ito matapos ang naturang pag-atake.
Batay sa impormasyon, walo sa mga nasawi ay special commandos.
Naglabas ng mensahe ang tagapagsalita ng Taliban na si Zabiullah Mujahid kung saan inako nito ang insidente.





Comments