PARANGAL NG PBA KAY COACH VICTOLERO, “THIS IS SWEET, WALA NANG HIHILINGIN PA”
- Clyde Mariano
- Jan 23, 2019
- 1 min read

HINDI man natupad ang kanyang mga pangarap noong naglalaro pa siya sa PBA, matagumpay naman na nakuha ni Magnolia Hotshots coach Chito Victolero ang pinaka-aasam-asam na “Coach of the Year” award at ang coveted Virgilio “Baby” Dalupan trophy sa 25th silver anniversary ng PBA Press Corps at naisama ang kanyang pangalan sa mga coaches na naunang ginawaran nang prestihiyosong tropeo tulad nina Tim Cone, Norman Black at Leo Austria.
“This is sweet,” masayang sinabi Victolero matapos tanggapin ang prestihiyosong tropeo kay PBA Press Corps president Gerry Ramos sa awards night na dinaluhan ng PBA officials at Board of Governors sa pamumuno ni PBA chairman at POC president Ricky Vargas at Commissioner Willie Marcial at players. “Nakamit ko ‘yung hindi ko nakuha noong naglalaro pa ako. Hindi ko ito makakalimutan at mananatiling buhay sa aking alaala,” wika ni Victolero.
Sinabi ni Victolero ang tagumpay niya bilang coach ay bunga nang pagsusumikap, hard work, tiyaga, dedikasyon at determinasyon.





Comments