top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Pahiwatig na magkakaroon ng panibagong buhay

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 23, 2019
2 min read

Salaminin natin ngayon ang panaginip ni Richard ng Richard_Gensis@facebook. com

Dear Professor, Napanaginipan ko ‘yung nanay ko, namatay daw siya, para siyang totoo, pero nu’ng nagising ako pinuntahan ko kaagad ‘yung nanay ko at sinabi ko sa kanya ang aking napanaginipan.

Ano ang ibig sabihin nito?

Thanks and God bless!

Naghihintay, Richard

Sa iyo Richard, Ganito ang sabi, “in death, there is life”, pero ang life na tinutukoy ay new life at ito ay better life.

Dahil dito sa mundo, everything keeps on progressing, kumbaga, papaunlad, papalaki at papaganda.

Kapag pinag-uusapan ang death, palaging binabanggit ang life of a butterfly na dating uod ay naging napakagandang paruparo na may pakpak at nakalilipad.

Madalas din ang munting buto na nagmula sa nahulog na bunga ay inihahalintulad sa death dahil ang buto na nahulog ay natabunan ng lupa, nasa kadiliman at kawalan, pero siya ay nakitang nagkaroon ng munting usbong, lumaki, lumago at naging bungangkahoy na hitik na hitik sa matatamis na bunga.

Ang mga nasa itaas, iho, ay mga pinaniniwalaan noon, kumbaga, gasgas na at baka wala na ring magkainteres dahil iba na ang mundo ngayon, halos wala ng mga butterfly at bihira na rin ang nakapapansin sa munting buto na naging bungangkahoy dahil ang lahat sa modernong panahon ang tinututukan ay ang kani-kanilang gadgets.

Naglalaro ng games at busy sa mga social media at nanonood ng kung anu-anong video.

Kaya hindi rin lingid sa kaalaman ng mga “bagong tao” sa mundo na ang best selling movies na kanilang paborito ay nandu’n din ang pagkakaroon ng ending at new beginnings.

Kaya walang katapusan ang chapters ng best selling movies.

Bakit kaya gustung-gusto ng mga tao ang movies na ang namatay ay muling nabubuhay?

Madalas, akala ng bida tapos na ang istorya, pero hindi pa pala dahil ang kontrabida ay muling nagkaroon ng buhay.

Super exciting ang buhay sa mundo, ang lahat ay walang katapusan. Ang totoo, bawat isa sa atin ay may kani-kanyang pagtatapos at bagong simula.

Oo, iho, ako, ikaw at ang nanay mo ay may bagong simula at ayon sa iyong panaginip, ito ang hinihiling mo para sa iyong nanay na magkaroon siya ng bagong buhay.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page