MARTIN AT TOYOGON FIGHTS, ABANGAN, UUNGKATIN ANG PRO BOXING SA TOPS
- MC / Clyde Mariano
- Jan 23, 2019
- 1 min read

NAKATAKDANG sumagupa ang dalawang sumisikat na fighters na sina World Boxing Association (WBA) Asia bantamweight champion Carl Jammes “Wonder Boy” Martin at World Boxing Council (WBC) Asia super featherweight titlist Al “The Rock” Toyogon.
Si Martin, pambato ng Lagawe, Ifugao ay babanat kontra Petchchorhae Kokietgym ng Thailand sa Pebrero 16. Tangan ng 19-anyos ang impresibong 11-0 karta, tampok ang 10 knockouts. Nakamit niya ang titulo nang pabagsakin sa ikaapat na round si Moon Chul Suh ng Korea nitong Okt. 27. Hawak naman ni Kokietgym ang 17-2 marka, kabilang ang walong KOs. Itataya naman ni Toyogon ang korona kontra Ryusei Ishii ng Japan sa ‘Night of Champions XVI’, sa pangangasiwa ng beteranong promoter-matchmaker na si Bebot Elorde, sa Sabado (Enero 26) sa Elorde Sports Center sa Parañaque.
Kabilang sa mga bagong talento ng bansa, hawak ng 20-anyos mula sa Gingoog City, Misamis Occidental, ang ring record na 9-2-1, tampok ang anim na knockouts. Bago ito, isyu naman sa professional boxing ang sentro ng usapin sa ilalargang 7th “Usapang Sports” ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) sa Huwebes, Enero 24, sa National Press Club (NPC) sa Intramuros, Manila. Tampok ang mga sumisikat na sina Martin at Toyogon bilang panauhin sa TOPS weekly forum ganap na 10:00 a.m.
Magbibigay naman ng kanilang pananaw hinggil sa mga kaganapan sa boxing at iba pang pro sports sina Games and Amusement Board (GAB) Commissioners Mar Masanguid at Eduard Trinidad.





Comments