top of page
Dennis, Claudia at Basti - Circulated.jpg

Malinaw ayon sa palad... lalaking nakatakdang makatuluyan ang babaeng iniwan ng asawa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 23, 2019
  • 2 min read

KATANUNGAN

  1. May kinakasama ako ngayong babae na halos ka­edad ko rin, pero hiwalay na siya sa kanyang asawa dahil nang mag-abroad ang mister niya ay hindi na ito bumalik pa.

  2. Hindi na kaya talaga babalik ang kanyang mister?

  3. At siya na ba ang ba­baeng nakaguhit sa aking mga palad na maka­ka­sama ko, habambu­hay?

  4. May asawa rin ako dati, pero nagka­hiwalay din kami at may sarili na siyang pamilya ngayon. Kaya gusto ko na ring ma­ayos ang buhay ko at magkaroon ng sari­ling pa­milya. Matutu­pad kaya ang panga­rap kong ito?

KASAGUTAN

  1. Ibig sabihin, magkapa­reho kayo ng kapalaran ng ka­salukuyan mong kinakasama dahil kapwa hiwalay na kayo sa asawa at hindi sinasadyang pi­nagtagpo kayo ng tadhana.

  2. Salamat at naging ma­linaw ang ikalawang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay tanda na sa ikalawang pag-aasawa, magi­ging permanente na ang nasabing relasyon at posible ngang sa ikalawang pag-a­asawang nabanggit ay maga­nap na ang panghabambuhay at masayang pagsasama na inilarawan matapos magkaroon ng bilog at malaking Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ang nasabing guhit ng dam­da­min o Heart Line (Drawing A. at B. h-h) ay muling nabuo at gumanda mula sa gitna hang­gang sa dulong bahagi (arrow c.). Ibig sabihin, sa edad mong 43 pata­as, tiyak ang ma­ga­ganap, sa ikala­wang pag-aasawa tu­lad ng naipaliwanag na, may pangako ng isang maligaya at pang­habambuhay na pa­milya.

DAPAT GAWIN

Habang, ayon sa iyong mga datos, Rico, nakatakda na ang maga­ganap, wala kang dapat ikata­kot sapagkat ang babaeng ka­salukuyan mong kinakasama ang siya na ngang nakatakda mong makapiling sa pagbuo ng ika­lawa, mas masaya at pang­habambuhay na pagpapamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page