Kriminalidad 'di masolb kaya mga bata ang pinag-iinitan, tsk-tsk-tsk!
- BULGAR

- Jan 23, 2019
- 1 min read
IBANG KANDIDATO NG PDP-LABAN AT HNP, LAGLAG KAY P-DUTERTE?—Kapuna-puna na sa 7 kandidato sa pagka-senador ng PDP-Laban na pinamumunuan ni P-Duterte at sa 14 na senatorial candidates ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) ni Presidential Daughter Mayor Sara Duterte ay tanging sina ex-SAP Christopher “Bong” Go, ex-PNP Chief Gen. Ronald “Bato” dela Rosa at ex-Political Adviser Francis Tolentino lang ang isinasama at ikinakampanya ng pangulo sa mga lugar na kanyang pinupuntahan.
Ibig kayang sabihin niyan, sina “Bong” Go, Gen. “Bato” at Tolentino lang ang mga “manok” sa pagka-senador ni P-Duterte at ang ibang kandidato ng PDP-Laban at HNP, laglag sa pangulo? Abangan!
◘◘◘
HAPPY NA NAMAN ANG MGA ‘BUWAYA’ SA GOBYERNO—Ikinatuwa ng Malacañang ang pagpasa ng Senado sa P3.757 trillion 2019 National Budget.
Aba, sa laki ng budget na ‘yan, natural lang na matuwa ang mga taga-Malacañang kasi may pagpaparte-partehan na namang kickback sa mga proyekto ang mga buwaya sa pamahalaan, mga buwisit!
◘◘◘
GOBYERNONG PULPOL—Dahil hindi masolusyunan ang bentahan ng shabu sa bansa, ang mga adik ang pinai-EJK ng gobyerno.
Dahil hindi masolusyunan ang korupsiyon, ang Commission on Audit (COA) ang pinag-iinitan ng gobyerno.
Dahil hindi masolusyunan ang kriminalidad, ang mga bata ang nais papanagutin ng gobyerno.
Ganyan kapulpol ang gobyernong ito, pwe!
◘◘◘
2 RETIRED GENERALS, PASOK SA STL CON JUETENG SA CAMANAVA AREA—Dalawang retired police generals ang lumulutang na nagpapatakbo raw ng STLcon jueteng ni alyas Mitch sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela) area.
Ang lupit din naman ng dalawang retired generals na ito kasi pagkatapos nilang magretiro sa serbisyo, panraraket naman sa mga residente ng CAMANAVA area ang pinapelan, mga pwe!





Comments