top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kelot utas, 4 pa timbog sa droga

  • Vyne Reyes
  • Jan 23, 2019
  • 1 min read

PATAY ang isang lalaki habang arestado ang apat na iba pa sa magkahiwalay na operasyon sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Chief Superintendent Joselito Esquivel, Jr., nanlaban ang hindi pa nakilalang suspek matapos matunugan na mga pulis ang kanyang katransaksiyon sa Cotabato St., Bgy. Alicia sa nabanggit na lungsod.

Narekober sa suspek ang limang bulto ng umano’y shabu na aabot sa P170,000 ang halaga.

Samantala, kalaboso ang apat na lalaki, kabilang ang isang construction worker at tricycle driver na naglalaro ng cara y cruz sa Bgy. Pasong Tamo.

Nakuha sa isa sa mga suspek ang tatlong sachets ng hinihinalang shabu.

Sinasabing ang iligal na droga ang ginamit ng mga suspek bilang pantaya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page