top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kahit nakaligtas sa hagupit ng bagyo noong nakaraang taon | Mga meyor na nagpabaya sa pananalasa ng

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 23, 2019
  • 2 min read

NOONG nakaraang taon pa nanalasa ang Bagyong Ompong, pero ang nakadidismayang aksiyon ng ilang mayor ay hindi makalulusot sa kamay ng Department of Interior and Local Government (DILG) kung saan kakasuhan ang mga ito dahil sa pagiging iresponsableng tauhan ng gobyerno.

Sa totoo lang, nakadidismaya ang mga ito dahil kung sino pa ang iniluklok ng taumbayan para makatulong sa kanila, lalo na sa oras ng pangangailangan at sakuna ay sila pa itong wala at hindi maaasahan.

Mukhang nakalimutan yata ng mga ito na ang pamumuno sa isang komunidad ay walang pinipiling oras kaya dapat ay responsable sila sa kaligtasan ng bawat pamilyang naninirahan sa kanilang nasasakupan.

Gayunman, sinabi ni DILG Assistant Secre­tary and Spokesperson Jonathan Malaya, base sa imbestigasyon ng DILG Central Office validation team na hindi katanggap-tanggap ang paliwanag ng mga mayor na nagpabaya sa kanilang tungkulin kaya paniguradong maha­harap sila sa kaso at ang kasalanan ay talagang dapat nilang akuin.

Samantala, isa pa lamang ang nakalulusot habang may ilan pang patuloy ang validation kung present sila sa panahon ng kalamidad o katanggap-tanggap ba ang kanilang paliwanag kung bakit wala sila sa kasagsagan ng Bag­yong Ompong.

Sa ngayon ay may show cause orders na laban sa 16 na mayors mula sa Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region.

Sakto ngayong malapit na ang eleksiyon, matuto na sana ang mga botante at huwag ng pumayag na bilhin ang boto nila para mailuk­lok ang kandidato na sa umpisa pa lang ay hindi na karapat-dapat umupo sa puwesto.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page