HOROSCOPE | ENERO 23, 2019 (Miyerkules)


SA MAY KAARAWAN NGAYON ENERO 23, 2019 (Miyerkules): Kung saan ka masaya, roon ka! Ito ang simpleng kahulugan ng araw na ito ng iyong pagsilang. Kaya iwasan mo ang mga bagay na nagbibigay sa iyo ng kalungkutan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pigilan mo man o hindi ang mga kaganapan ay mabilis pa rin itong mangyayari. Kaya mainam kung bibilisan mo rin ang iyong pagkilos. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-14-17-24-39-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Piliin mo ang kulay kung saan angat na angat ang iyong kagandahan. Huwag mong piliin ang mga bagay na magbibigay sa iyo ng pananamlay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-10-20-25-31-32.
GEMINI (May 21- June 20) - Mananalo ka dahil masuwerte ka sa mga araw na ito at ang mamalasin ay ang mga kumokontra sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-21-25-27-35-36.
CANCER (June 21- July 22) - Naiiwanan ang mababagal at ang hindi makapagpasya, sa huli ay nagsisisi at nanghihinayang. Hindi ka dapat mapabilang sa kanila. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-11-17-24-31-39.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang masyadong magtagal sa kapapanood sa kapalaran ng iba. Puwede kang mahawa sa hindi magagandang karanasan nila. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-11-14-26-30-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Gawin mo kaagad kung ano ang gusto mong gawin. Kapag hindi ka nakinig, masisingitan ka ng pag-aalinlangan at maraming bagay ang iyong panghihinayangan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-12-25-38-40-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iwanan mo ang ayaw sumunod sa iyo! Oo, iwanan mo! Kapag ginawa mo ito, magugulat ka dahil siya ay susunod sa mga kagustuhan mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-13-16-25-38-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong sayangin ang maliit o malaking bagay na puwede mong mapakinabangan. Ang magandang kinabukasan ay ang naipong mga biyaya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-14-23-24-30-33.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Asikasuhin mo ngayon at sa ilan pang mga araw na darating ang iyong kabuhayan. Ang masuwerteng panahon para sa iyo ay ngayon na. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-15-20-21-28-31.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi ka dapat makisali sa anumang hindi pagkakaunawaan dahil mawawala ang pokus mo sa iyong mga gustong gawin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Mauswerteng kulay-brown. Tips sa lotto-4-18-22-28-35-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong palakihin ang problema. Hindi mo ba napapansin na nawawala rin naman ang pagsubok na pinagdaraanan mo? Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-11-17-21-28-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Masaya ang magkaroon ng maraming kaibigan, pero kailangang piliin mo ang mga kaibigan na hindi pabigat sa iyong buhay. Kung hindi mo sila iiwasan, maaaring masira ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-10-12-28-36-38.




Comments