top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Dahil sa mga TNT | OFWs BAWAL SA U.S.

Gina Pleñago
Jan 23, 2019
1 min read

BAD news para sa mga Pinoy, maka­raan i-ban ng United States Department of Homeland Security ang Pilipinas sa pagbibigay ng eligibility sa H-2A at H-2B working visas sa loob ng isang taon ka­ugnay ng prob­lema sa overstaying at hu­­man trafficking.

Pinaalalahanan ng De­partment of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pinoy, parti­kular ang mga nasa Estados Unidos na hangga’t maaari ay sundin ang patakaran ng Immigration at iwasan ang manatili ng higit sa itinakda ng kanilang visa.

Payo sa mga Pinoy, sun­din ang itinalagang petsa sa kanilang visa para sa pana­natili nila sa Amerika at hu­wag mag-overstaying.

Ang paalala ng ahensiya ay dahil na rin sa hak­bangin ng United States Depart­ment of Homeland Security sa pagtatanggal sa Pilipinas sa kanilang listahan para sa pagbibigay ng working visa.

Ayon sa DFA, dahil pre­rogative aniya ng America ang pag-isyu ng visa, handa na­man aniya silang magbigay ng tulong sa mga Pinoy na maaapektuhan ng nabanggit na polisiya, partikular na aniya ‘yung nanatili sa na­banggit na bansa.

Ang H-2A visas ay ini­isyu ng Estados Unidos sa mga foreign agricultural wor­ker, samantalang, ang H-2B visa naman ay iniisyu para naman non-agriculture wor­kers.

Napag-alaman na 40 porsiyento na inisyuhan ng H-2B visa mula sa Pilipinas ay overstaying mula noong 2017.

Nabatid na ang pag-ban ng Amerika sa Pilipinas para sa nabanggit na working visas ay epektibo noong Enero 19, 2019 hanggang Enero 18, 2020.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page