top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Babala ng mga eksperto... KEMIKAL NA NASA NON-STICK PAN, MAY MASAMANG EPEKTO SA ‘MANOY’!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 23, 2019
2 min read

PATOK na patok ang paggamit ng makabagong kagamitan, partikular na sa pagluluto dahil sa convenience na dulot nito sa atin, lalung-lalo na ang non-stick pan dahil hindi na tayo mai-stress sa pagdikit ng mga niluluto natin dito. Sino ba ang may ayaw nito, ‘di ba? Pero, mga besh, knows ba ninyo na ang kemikal na mayroon ang non-stick pan ay may masamang epekto sa ‘manoy’ ng kalalakihan? Hala!

Isang pag-aaral sa Italy ang nakapagsabi na ang kemikal na mayroon ang non-stick frying pan ay mayroong masamang epekto sa ‘manoy’ ng kalalakihan.

Ayon sa pag-aaral, ang kalalakihan na exposed sa kemikal na perfluoroalkyl compounds o kilala bilang PFCs ay mayroong mas maliit na ‘manoy’ at mababang semen quality kumpara sa mga lalaking hindi exposed sa nabanggit na kemikal.

Ang PFCs ay isang uri ng kemikal na ginagamit bilang tubig at oil repellents sa mga gamit na panluto at textiles.

Ayon sa pag-aaral na nai-published sa Journal of Clinical Endocrinology & Metabolism, ang kalalakihang nakasasagap o exposed sa nasabing kemikal ay may mataas na tsansa na maipon ang mga kemikal sa kanilang katawan kung saan posible itong magkaroon ng negatibong epekto sa kanilang pisikal na kaanyuan.

Pinag-aralan ng mga researcher ang 383 lalaki na nasa high-school kabilang ang 212 na exposed sa PFCs sa Northeast Italy. Gumamit ang mga researcher ng sample ng kanilang dugo upang makita ang kondisyon ng kanilang sexual hormones, gayundin, sinuri ang semen samples at sinukat ang ‘manhood’ ng mga kalahok, partikular sa haba, circumference, testicular volume at anogenital distance ng mga kalahok.

Napag-alaman ng mga researcher na ang PFCs ay may epekto sa kalalakihan, partikular na sa haba ng kanilang ‘manoy’.

Gayunman, ayon sa mga researcher, ang mga kalahok na hindi nae-expose sa PFCs ay mayroong average length na 3.94 inches ng ‘manoy’ habang ang mga kalahok na exposed sa nabanggit na kemikal ay may average length na 3.44 inches.

Maliban pa rito, ang kalalakihang mayroong exposure sa PFCs ay may tsansa na magkaroon ng problema sa fertility.

Kaya ang payo ng mga eksperto, upang maiwasan ang exposure mula sa iba’t ibang uri ng kemikal sa mga gamit sa bahay, subukan ninyong gumamit muli ng mga tradisyunal na kagamitan.

Oh, ayan, ngayong knows na natin ang masamang naidudulot ng makabagong kagamitan, mga lodi, kahit may convenience itong naibibigay sa atin, i-prioritize pa rin natin ang atin kalusugan.

Gets mo?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page