AU CHIEFS, FINALIST NA SA NCAA WOMEN’S VOLLEYBALL, EAC, NAKALUSOT SA SEMIS


WINALIS ng defending champion Arellano University sa tatlong sets ang last year’s runner-up San Beda University 25-18, 25-21, 25-23 upang sumampa sa finals ng 94th NCAA Women’s Volleyball sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.Lubog ng 5 puntos sa third frame, sinandalan ng Legarda-based squad Lady Chiefs si Regine Arocha sa endgame. Pinamunuan ni Arocha ang 6-0 run ng Arellano U upang hawakan ang 21-20 bentahe, pero sumingasing ang Lady Red Spikers, muling naagaw ang unahan, 22-23.
Hindi nasindak ang Lady Chiefs, inilista ang huling 3 puntos ng laban upang makuha ang unang ticket sa championship round. Nagtala si Arocha ng 17 points para sa Arellano U habang bumakas sina Alyana San Gregorio, Necole Ebuen at Carla Donato ng tig 11 puntos.“Pinagpaguran namin ito sa practice, halos one week ang preparation namin para makabawi,” ani Arellano U coach Obet Javier. “Nagulat kami sa last game namin laban sa San Beda kaya nagkaroon kami ng adjustment. Kung napansin n’yo nawala ‘yung isang spiker namin (Princess Bello).”
Kumana sa opensa para sa 2018 runner-up Lady Red Spikers si Nieza Viray, inilista ang 17 puntos habang 11 ang inambag ni skipper Cesca Racraquin. Samantala, nakalusot ang 4th seed Emilio Aguinaldo College sa first stage ng men’s stepladder semis matapos talbusin ang 2018runner-up Arellano U, 24-26, 8-25, 25-20, 25-18, 21-19. (ATD)





Comments