top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Alamin mula kay Señor... KAALAMAN TUNGKOL SA TAMANG PAG-AAYOS NG BAHAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 23, 2019
  • 2 min read

Bigyang-daan natin ngayon ang mga paraan kung paano aayusin ang bahay upang maging ma­palad ang naninirahan.

May mga bahay na mukhang mahirap ang buhay kung saan hindi ma­kausad ang kapalaran dahil sinasabing pina­ni­nirahan ito ng mga negati­bong puwersa.

Hindi mahirap balig­tarin ang sitwasyon, kum­baga, mapagaganda pa ang kapalaran ng mga na­katira sa bahay na inaaka­lang may hindi magan­dang kapalaran.

  1. Una, linisin ang bu­ong bahay dahil ang ma­ka­lat at maraming dumi ay nagdadala ng kama­lasan.

  2. Hindi rin dapat ma­sikip ang bahay lalo na ang silid-tulugan at ang tanggapan ng bisita o salas.

  3. Ang mga dekoras­yon ay hindi dapat sob­rang taas, kumbaga, ka­tam­taman lang ang taas nito kung saan hindi na hahanapin ng mga ma­tang makakakita.

  4. Dapat ang mga ga­mit sa kusina ay palaging malinis at walang naiiwan na maruruming gamit.

  5. Sa kusina, dapat ay may mga prutas sa lame­sang kainan, pero itapon ang mga sira o lumang mga prutas.

  6. Ang mga kurtina ay dapat pinapalitan dahil hin­di magandang naiipon dito ang mga alikabok.

  7. Ang mga pang-araw-araw na gamit tulad ng sandals, sapatos at pa­yong ay dapat sama-sama sa iisang lagayan.

  8. Ang likod ng mga pinto ay dapat malinis, kung may dekorasyon, dapat ay simple lang, as in, hindi ito OA.

  9. Mahigpit ding ipi­napayo na ang mga door knob ay palaging lilinisin.

  10. Ang wall ng bahay ay dapat maganda ang pin­tura, gayundin ang ki­same.

  11. Dapat, walang mga sapot o agiw.

  12. Dapat na pinapa­pasok sa loob ng bahay ang sariwang hangin.

  13. Dapat ay nakapa­pasok nang direkta ang si­nag ng araw sa umaga.

  14. Once a month, da­pat ang liwanag ng bu­wan ay nakapapasok sa loob ng bahay.

Ang sinumang maka­susunod sa mga nabang­git sa itaas ay makaaasa ng mabilisang gaganda ang kapalaran.

Good luck and God bless!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page