top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

2 holdaper dedbol sa parak

Vyne Reyes
Jan 23, 2019
1 min read

TODAS ang dalawang hinihinalang holdaper nang makaengkuwentro ang mga pulis kasunod ng panloloob sa isang auto-supply shop sa Novaliches, Quezon City.

Sa inilunsad na follow-up operation ng Quezon City Police District, natunton sa tulong ng mobile application ang kinaroroonan ng mga suspek na bitbit ang kanilang ninakaw na cellphone.

Nang matunton ng pulisya ang pinagtataguan ng mga suspek sa Belen St., Bgy. Gulod sa nasabing lungsod, maagap na nakatunog ang mga suspek at pinaputukan umano ang mga awtoridad.

Nakipagbarilan din ang mga pulis hanggang sa bumulagta ang dalawang lalaking suspek na hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan.

Una rito, hinoldap umano ng dalawang suspek ang isang auto shop noong Lunes.

Ayon sa anak ng may-ari ng shop, nanonood sila ng TV nang pasukin sila ng mga magnanakaw.

Tinangay ng mga suspek ang tatlong cellphones, bag na naglalaman ng wedding ring at P18,000 kinita ng shop.

Nakita ang mga ninakaw na gamit malapit sa mga bangkay ng dalawa.

Nakuha rin ng pulisya ang dalawang baril at ang motorsiklo ng mga suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page