10 todas sa nasunog na barko
- Jersey Sanchez
- Jan 23, 2019
- 1 min read
NASUNOG ang dalawang barko sa karagatan malapit sa Crimea sa Eastern Europe na ikinasawi ng sampu katao.
Ayon sa transport ministry ng Russia, nagsasagawa ng ship-to-ship fuel transhipment ang dalawang Tanzanian Flagships na tinawag na ‘Candy’ at ‘Maestro’ nang bigla itong nagliyab.
Gayunman, halos 31 crew members ang sakay ng naturang mga barko kung saan 16 sa mga ito ay Turkish habang Indians ang 15 iba pa.
Ayon sa mga nakasaksi, tumalon umano ang mga crew ng dalawang barko habang nagliliyab ang mga ito.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng awtoridad para malaman ang dahilan ng pagkasunog ng naturang mga barko.





Comments